Iniwang pinsala ni ‘Usman’ sa mga pananim umabot sa mahigit P300-M

Umakyat sa P368, 256, 794 ang halaga ng pinsalang dulot ng pananalasa ng bagyong Usman sa sektor ng agrikultura.

Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Pinakalubhang napinsala ang mga pananim ay sa Region 5 partikular sa Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Sorsogon, Catanduanes at Masbate.


Samantala, nadagdagan naman ng isa ang naitalang namatay dahil sa pa rin sa pananalasa ng bagyong Usman.

Dahil dito umabot na sa 86 ang patay dahil mga naganap na landslide epekto ng pananalasa ng bagyong Usman.

19 naman ang missing pa rin at 43 ang naitalang sugatan.

Kaugnay nito agad namang may ayuda ang pamahalaan sa mga naapektuhan ng bagyong Usman.

Sa katunayan may mahigit syam na milyong pisong halaga ng mga food at nonfood items ang naitulong na sa mga ito mula sa DSWD at mga lokal na pamahalaan.

Facebook Comments