Alex Cabagnot, hindi muna makakalaro

108

Out muna sa opening game ng PBA Philippine Cup 2019 ang veteran pointguard ng San Miguel Beermen na si Alex Cabagnot.

Ito ay dahil kailangan pa niyang magpagaling matapos magpa-opera sa ilong kung saan natamo niya ang injury noon pang 2016 nang magkabangaan sila ni Cliff Hodge ng Meralco Bolts sa isang laro.


Pero dahil sa kanyang mga commitment sa pagiging assistant coach ng U.P. Fighting Maroons sa UAAP at paglalaro sa Gilas Pilipinas na lumaban sa FIBA World Cup Asian Qualifiers ay ipinagpaliban nito ang operasyon.

Inaasahan naman ni coach Leo Austria, na dadalo na sa next practice ng Beermen ang bago nilang hugot na player na si Terrence Romeo lalo na at magsisimula ang bagong season ng PBA sa January 13, 2019 (Sabado).

Facebook Comments

From Advertisers