Inihayag ngayon ng Insular Life (InLife) at Oona Insurance Group ang kanilang kasunduan para ibenta ng InLife ang 40% stake nito sa kanilang non-life insurance joint venture, Oona Insular Insurance Corporation (Oona Philippines).
Dahil dito magiging solong may-ari ng Oona Philippines ang Oona Insurance.
Sa kabila nito, tiniyak ng Oona Philippines at Insular Life ang kanilang kooperasyon at pagtutulungan upang isulong ang cross-sell insurance products sa Pilipinas.
Ang kasunduan ay inaasahang magpapalawak at magpapalaki pa sa reputasyon ng Oona Philippines’ sa general insurance industry ng bansa. Inaasahan din na patuloy na magdadala pa ng mga serye ng mga pagbabago, inobasyon at serbisyo ang Oona Insurance sa mga Pilipino dahil na rin sa pagiging game changer nito.
Sa kabilang banda ang InLife naman ay pagtutuunan pa lalo ang kanilang core life insurance and healthcare business upang mapanatili ang momentum na kanilang natamo noong nakaraang mga taon.
Base sa kasalukuyang datos, ang life insurer ay umakyat sa ika-limang puwesto matapos ang unang anim na buwan ng 2023 kung ang pag-uusapan ay ang New Business Annualized Premium Equivalent.
“As InLife moves forward to achieve accelerated growth and continue in its journey to provide customer service excellence through digital transformation and innovation, we will continue to support Oona’s plan to strengthen its presence in the Philippines,” pahayag ni Executive Chairperson Nina D. Aguas.
“We are deeply grateful to InLife for being a remarkable partner during our lift-off stage over the past year, and we look forward to maintaining our cross-selling partnership with InLife going forward. We are very optimistic and believe this move will help us push for higher growth as we position ourselves to be a major player in the Philippines’ non-life insurance market,” pahayag naman ni Abhishek Bhatia, Founder and Chief Executive Officer of the Oona Insurance group.