Inmate, nanganak sa loob ng Pasay City Jail

94

Isinugod sa Pasay City General Hospital ang isang inmate matapos manganak sa loob ng female dorm sa Pasay City Jail.

Agad rumesponde ang Pasay Rescue Team para dalhin sa hospital ang babaeng inmate na hindi na pinangalanan.


Pasado alas kwatro kaninang madaling araw nang magsilang sa piitan ang babaeng bilanggo.

Tumanggi naman ang Pasay City Jail na magbigay ng karagdagang detalye sa pagkakakilanlan ng inmate na nagsilang sa kulungan.

Facebook Comments