DEAD ON ARRIVAL | Abogado at security guard patay sa pamamaril sa Cainta, Rizal

Cainta, Rizal – Nasawi ang isang abodago at isang sekyu makaraang pagbabarilin ng apat na mga suspek sa Cainta, Rizal.

Kinilala ang nasawing abogado na si Attorney Joey Galit residente ng Apple 1 Subdivision Cainta, Rizal.

Habang ang nasawing sekyu ay si Jesus Mateo isa mga security guard sa Apple Subdivision sa Cainta, Rizal.


Sa ulat ni PNP Calabarzon Spokesperson Superintendent Chitadel Gaoiran alas-11:20 ng tanghali kanina sakay ng kulay silver na Subaru Wagon na may plate number ABH-6819 ang abogadong biktima kasama ang kanyang asawa.

Hanggang pagsapit sa bahagi ng gate ng kanilang subdivision ay lumapit ang apat na suspek at pinagbabaril ang abogado.

Agad na tumakas ang mga suspek ngunit tinangkang habulin ng sekyung si Mateo pero binaril din ito ng mga suspek.

Isinugod sa Manila East Medical Center ang abogadong si Galit pero idineklarang dead on arrival habang ang sekyu ay isinugod sa Cainta Municipal Hospital ngunit idineklara ring dead on arrival.

Agad na bumuo nang Special Investigation Task Group ang PNP Rizal para matutukan ang kaso.

Nagpapatuloy rin ang pagtugis ng pulisya sa mga suspek sa krimen.

Facebook Comments