Cagayan De Oro – Sinimulan na kahapon ang inquest proceeding laban sa mga Maute na siyang tinuturong utak sa nangyayaring kaguluhan sa Marawi City.
Ayon kay Justice Sec.Vitalliano Aguirre, tatlong araw tatagal ang nasabing inquest proceeding dito sa lungsod.
Hinihiling din ng nasabing kalihim sa Korte Suprema na ilipat ang pagdinig sa Visayas o Metro Manila.
Ayon kay Secretary Aguirre, na ito ay para masiguro na ligtas at hindi makatakas ang 11 mga akusado na nadakip ng otoridad na kinabibilang ng mga magulang ng maute at Marawi City former Mayor Fahad Pre Salic.
Napag-alaman na 12 mga prosecutor ang kabilang sa itinatag na Centralized Prosecution Office na pinamumunuan ni OIC Cagayan De Oro City Prosecutor Merlynn Uy.
DZXL558
Facebook Comments