Insentibo sa mga magbubukas ng negosyo sa labas ng Metro Manila balak ibigay ni Pangulong Duterte

Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na planong maglabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ng isang Executive Order na magbibigay ng insentibo sa mga maglalagak ng investment o magbubukas ng negosyo sa labas ng Metro Manila.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ito ay matapos aprubahan ng gabinete ang naturang plano na inilatag kagabi sa naganap na Cabinet meeting dito sa Malacañang.

Sinabi ni Panelo na ito ay isang paraan para madecongest ang Metro Manila at bilang hakbang narin para mapaghandaan ang tinatawag na the big one.


Pero hindi naman idinetalye pa ni Panelo ang nasabing Plano pero isa aniya itong magandang solusyon para mahikayat ang marami sa ating mga kababayan na wag nang pumunta dito sa Metro Manila.

Ang nasabing suhestiyon ay nagmula sa Cabinet cluster on Climate Change, Adaptation, Mitigation and Disaster Risk Reduction kung saan natalakay din ang pagtatatag ng Department of Resiliency.

Facebook Comments