Sa muling pagbubukas ng klase sa mga paaralan sa buong bansa, nakatutok naman ang Schools Division Office ng Dagupan City sa insidente ng bullying sa mga paaralang sakop nito.
Sa isang panayam kay SDO Dagupan City Superintendent, Dr. Rowena Banzon, siniguro nito na walang puwang ang bullying sa mga paaralan sa lungsod. Aniya, regular ang isinasagawa nilang talakayan para sa mga bata, magulang at sa komunidad upang ito ay hindi mangyari.
Samantala, nakatakda rin ang Sistema para ma-ireport ang anumang uri ng bullying na maitatala. Nakaposisyon din umano ang children protection committee sa kada paaralan.
Sa kabilang banda, nakatutok din ang hanay ng Women and Children Protection Division ng Dagupan City PNP upang masiguro ang kaligtasan ng mga learners bilang pakikiisa na rin sa programa ng lokal na pamahalaan.
Sa huli, nangako ang awtoridad na magiging safe space ang mga paaralan upang matuto gayundin ang makipagkaibigan sa kapwa nila mag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









