Insidente ng carnapping sa bansa bumaba sa nakalipas na buwan ng Mayo

Bumaba ang bilang ng Carnapping sa bansa, ito ang ipinagmalaki ng Philippine National Police.

 

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac, ngayong May 2019 nakapagtala ang PNP Highway Patrol Group ng 56.8 percent o labing syam na insidente ng Carnapping.

 

Mababa ito kumpara sa 44 na insidente ng Carnapping noong May 2018.


 

Sa kabila nito makikita sa datos na nangunguna ang NCRPO sa may pinakamaraming  kaso ng carnapping.

 

Habang wala zero carnapping incident naman sa PROs 1, 2, 4a, 5, 6, 8, 9, 11, 13 at BARMM.

 

Paliwanag ng PNP, bumababa ang datos ng kaso dahil sa mas pina igting na kampanya kontra criminality at ang walang tigil na kampanya ng PNP HPG laban sa mga carnapping syndicates nationwide.

Facebook Comments