Tumaas pa ang mga insidente ng cybercrime sa bansa sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon.
Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo, tumaas ng isang-daang porsyento ang natatanggap nilang report at reklamo na may kaugnayan sa scam o phishing o yung pagkuha ng mga personal information online.
Isa aniya sa mga modus-operandi ng mga scammers ay magpadala ng email sa publiko at kapag na-click ito ay saka nila makukuha ang impormasyon ng kanilang biktima.
Sinabi pa ni Lorenzo, na inaasahang tataas pa ito sa mga susunod na araw dahil uso ang online transaction ngayon.
Samantala, kinumpirma ni pasig city mayor vico sotto na napasok ng hacker ang twitter account ng Public Information Office (PIO) ng Lungsod.
Sa kaniyang twitter post, sinabi ni Sotto na na-hack ang official twitter account ng Pasig PIO alas-10:15 ng umaga.
Pero na-secure na aniya ang twitter account at gumagawa na ng imbestigasyon ang pamahalaan para malaman kung sino ang may kagagawan.