Insidente ng food poisoning dahil sa kontaminadong gatas sa Negros Oriental, iniimbestigahan na ng DepEd

Iniimbestigahan na ng Department of Education (DepEd) ang kaso ng food poisoning na dumalot umano ng contaminated milk sa ilang grade school students sa Sta. Catalina, Negros Oriental.

Mababatid na mahigit 100 estudyante ang isinugod sa ospital matapos makaramdam ng pagkahilo at dehydration matapos inumin ang naturang gatas na ipinamahagi sa feeding program.

Dahil dito ay nakikipag-ugnayan na ang DepEd sa National Dairy Authority at iba pang ahensya upang imbestigahan ang insidente kasabay nito ang pagdala ng milk samples upang suriin.


Siniguro naman ng kagawaran na patuloy nitong tututukan ang kalusugan ng mga estudyante at bibigyan ng tulong maging ang kanilang pamilya.

Facebook Comments