Bangkay ng babae, natagpuan sa creek sa Quezon City

83

Natagpuang lumulutang ang bangkay ng isang babae sa isang creek sa Quezon City kahapon.

Ayon sa pulis, nakita ang katawan ng babae sa creek ng Brgy. Del Monte ng naturang lungsod.

Batay naman sa initial report ng Quezon City Police, may galos at bukol sa mukha ang babae na nasa 45 hanggang 50 ang edad.


Nakasuot ito ng black T-shirt at blue maong pants at tinatayang nasa 4’11” ang taas.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan at ang dahilan ng pagkamatay ng babae.

Dinala na ang mga labi nito sa St. Anne Funeral Homes sa Kamuning, Quezon City.



Facebook Comments