Insidente ng krimen at sunog sa bansa, bumaba dahil sa COVID-19 crisis – DILG

Naniniwala ang Department of Interior and Local Government (DILG) na positibo ang epekto ng COVID-19 crisis sa peace and order situation sa bansa.

Sa Televised Briefing, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na bumaba na ng 60% ang krimen mula nang ipatupad ang community quarantine para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Dagdag pa ni Año, ang naitalang krimen sa bansa mula March 17 hanggang May 27 ay mababa kumpara sa naitala noong January 5 hanggang March 16.


Bago ang lockdown, ang criminal cases sa bansa ay umabot sa 11,004 pero bumagsak ito ng 4,479 mula nitong Miyerkules, May 27.

Bukod dito, sinabi rin ni Año na bumaba rin ang insidente ng sunog sa loob ng lockdown period.

Sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP), mula sa 11,236 fire incidents ay bumaba pa ito ng 10,698 o katumbas ng limang porsyento.

Gayunpaman, umabot sa 184,467 ang bilang ng quarantine violators kung saan 54% ang inaresto habang 9% ang binigyan ng babala.

Tiniyak ng DILG na patuloy pa ring isusulong ang peace and order kasabay ng pagpapaluwag ng quarantine protocols.

Facebook Comments