INSIDENTE NG NAKAWAN SA MGA SASAKYAN SA BOLINAO, NAITALA; EMPLEYADO NG LGU, NABIKTIMA

BOLINAO, PANGASINAN – Nagbabala ang lokal na pamahalaan ng Bolinao sa mga residente sa pagpa-park ng sariling sasakyan sa pampublikong lugar matapos maitala ang insidente ng nakawan sa mga sasakyan sa bayan.
Ayon sa Bolinao Local Disaster Risk Reduction and Management Council, isang empleyado nito ang nabiktima ng krimen kung saan nakuha ang ilang mahahalagang gamit at gamot.
Nakapark umano ang sasakyan nito sa sports complex nang mangyari ang pagnanakaw.

Sinabi ng ahensya na siguraduhing nakasara ang compartment at pintuan upang hindi maging biktima.
Dagdag pa ng Bolinao DRRMC, na dalhin ang mga mahahalagang bagay kung iiwan ang sasakyan sa pampublikong lugar. | ifmnews
Facebook Comments