Isinulong ni Senador Risa Hontiveros sa Senado na imbestigahan ang alitan sa lupa na kinasasangkutan ng Manobo-Pulangihon Indigenous Cultural Community (ICC) ancestral domain sa Bukidnon na nagresulta sa karahasan.
Sa naturang insidente ay lima tao ang sugatan makaraang magpaputok umano ang mga security personnel ng isang plantasyon ng pinya sa Bukidnon.
Sa impormasyong natanggap ni Hontiveros, target umani ng pamamaril ang isang grupo na kinabibilangan ng mga miyembro ng Manobo-Pulangihon ICC kasama si presidential candidate Leodegario “Ka Leody” de Guzman, at mga kandidatong senador na sina Roy Cabonegro at David D’Angelo.
Nakasaad sa Proposed Senate Resolution No. 999 na inihian ni Hontivereos na ang mga alitan sa lupa ay matagal nang isyu sa ating bansa na kadalasang nauuwi sa karahasan kaya panahon na upang magkaroon tayo ng maayos na batas na makakatugon dito.
Dagdag pa ni Hontiveros, ang mga katutubo ay isa sa mga pinakabulnerable sa ating lipunan at hindi dapat hayaang dahas ang isukli sa kanilang mapayapang paggiit ng karapatan sa kanilang lupang ninuno.