Pinabulaanan ng Embahada ng Pilipinas sa Singapore ang di umano’y pamimigay ng mga pre-shaded ballots sa mga overseas voters.
Kasunod ito ng akusasyon ng isang netizen na nagpakilalang Pilipino sa naturang bansa na nakatanggap siya ng balota mula sa embaha na mayroon nang shade.
Matatandaan na umamin ang embahada kamakailan sa isa pang insidente kung saan hindi sinasadyang makapagbigay ng sirang balota sa isang botante noong Abril 10 na kalaunan ay itinuring na isolated case.
Sa kabilang banda ay nagbabala si Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Garcia na papanagutin nila ang mga nagpapakalat ng mga ganitong klase ng maling impormasyon.
Samantala, natanggap na ng Philippine Consulate General sa New York ang vote counting machines (VCM) at iba pang election paraphernalia kasunod ng aberya sa pagdating nito.
Dahil dito ay ipapamahagi na nila ang unang batch ng mga balota para makaboto na ang mga kwalipikadong overseas voters sa New York at ilang bahagi ng Northeast America sa 2022 elections.