Japan, nakapagtala na rin ng unang kaso ng Omicron XE

72

Kinumpirma ng health ministry ng Japan ang unang kaso ng mas nakakahawang Omicron XE strain sa kanilang bansa.

Ito ay sa katauhan ng isang 30-taong gulang na babae galing Amerika na dumating sa Narita airport malapit sa Tokyo noong March 26.

Hindi isinawalat ang nasyonalidad ng naturang indibidwal kung saan wala itong ipinakitang sintomas at naturukan ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine na Pfizer.


Ito ay nagpagaling na sa isang pasilidad para sa mga infected individuals at nakaalis na matapos ang kaniyang quarantine period.

Ang Omicron XE ay sinasabing kombinasyon ng Omicron subtype BA.1 at BA.2 na ayon sa mga ulat ay mas nakakahawa nang 12.6 percent kumpara sa BA.2.

Facebook Comments