Insidente ng power interruption ngayong araw ng halalan, umabot na sa higit 200 – NEA

Nakapagtala na 201 na insidente ng power interruption sa buong bansa ang National Electrification Administration (NEA) ngayong araw ng halalan.

Ayon sa NEA, nasa 1,456 na barangay na sa buong bansa ang nawalan ng kuryente bago magtanghali at tinatayang aabot ang mga ito sa 70 minutong duration.

Bukod dito ay nakaranas din ng parehong insidente ang 61 na electric cooperatives.


Gayunpaman, tiniyak ng NEA naibalik na ang kuryente at may on-going restoration din ang ORMECO, PENELCO, ILECO I, TIELCO, DIELCO, at LEYECO V, maliban sa DORECO dahil sa mga problema sa accessibility.

Facebook Comments