Voting period, wala ng extension – COMELEC

Hindi na pinalawig pa ng Commission on Election (COMELEC) ang oras nang pagboto ngayong araw.

Ayon kay Commission on Election (COMELEC) Commissioner George Garcia, nagdesisyon ang COMELEC En Banc na hanggang alas-7:00 ng gabi lamang ang voting period.

Gayunman, ang mga botante aniyang nasa 30 metro ang pila mula sa mga polling places ay papayagan pa ring makaboto kahit alas-7:00 na ng gabi.


Nauna nang nanawagan ang poll watchdog na Kontra Daya sa COMELEC na palawigin ang oras ng pagboto dahil sa ilang isyu na kinakaharap ng mga botante ngayong araw.

Facebook Comments