Insidente ng sunog sa NCR, bumaba ng 67% – BFP

Bumaba ang naitatalang insidente ng sunog sa Metro Manila ngayong taon.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni BFP Spokesperson Supt. Annalee Cabrajal-Atienza na nasa 2,771 fire incidents na ang naitala sa National Capital Region (NCR) mula Enero hanggang Disyembre 9, 2021.

Ito ay 67% na mas mababa kumpara sa 6,521 na naitala noong 2020.


Habang nitong December 1 hanggang 9, 2021, nasa 145 fire incidents na ang naitala ng BFP.

Nagpaalala naman si Atienza sa publiko na maging maingat at alerto ngayong holiday season kung saan kadalasang tumataas ang insidente ng sunog.

Samantala, pinayuhan din ng BFP ang publiko na iwasang gumamit ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon sa halip ay manuod na lamang ng mga community fireworks display.

Facebook Comments