Iimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang reklamo sa umano’y pagnanakaw ng ilang bumbero sa opisina ng Manila Broadcasting Company (MBC).
Ito’y matapos masunog ang Star City.
Ayon kay MBC Vice President, DZRH Senior Anchor na si Deo Macalma, nanawala ang ilang mamahaling relo at pera sa loob ng kanyang opisina.
Nakabukas din ang ilang cabinet ng mga empleyado.
Iginiit muli ni Elizalde Group of Companies Vice President for Legal Affairs, DZRH Station Manager, Atty. Rudoph Jularbal na hindi sadya ang nangyaring sunog sa Amusement Park.
Hinikayat naman ng BFP ang MBC na maghain ng reklamo sa pulisya.
Sinabi ni BFP Chief, Director Leonard Bañago, hindi lamang ang mga bumbero ang nasa area nang mangyari ang sunog dahil marami ring tao ang naki-usyoso at nakialam sa kanilang operasyon.
Hiniling ng pamunuan ng Star City sa BFP na bigyan sila ng permiso na mapasok ang ilang lugar na kinordon upang matiyak na maayos pa ang ilan sa kanilang kagamitan.