Insidente sa Resorts World Manila, hindi magiging dahilan ng martial law sa buong bansa

Manila, Philippines – Binigyang diin ni National Capital Region Police Office Chief Director Oscar Albayalde na hindi nila inirerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na suspindihin ang privilege of the writ of habeas corpus matapos ang insidente sa Resorts World Manila na ikinamatay ng 37 tao kasama na ang suspect.

Ito ang sinabi ni Albayalde sa harap na rin ng ispekulasyon ng ilan lalo na sa social media na posibleng ito ang maging dahilan ni Pangulong Duterte para magdeklara ng Martial Law sa buong bansa.

Ayon kay Albayalde, hindi sila nagrerekomenda kay Pangulong Duterte na suspindihin ang writ of habeas corpus matapos ang insidente.


Sinabi ng opisyal na wala silang nakikitang dahilan sa ngayon para magdeklara ang pangulo ng Martial Law dahil isa aniyang Criminal Act ang ginawa ng suspect sa Resorts World at walang indikasyon na ito ay konektado sa terorismo.
DZXL558

Facebook Comments