INSPEKSYON | Indonesian Gov’t, ipinag-utos na ang inspeksyon sa lahat ng eroplano ng national commercial airlines

Ipinag-utos na ng Indonesian Government ang inspeksyon sa lahat ng eroplanong pagmamay-ari ng national commercial airlines.

Ito ay matapos bumagsak sa dagat ang Lion Air flight 737 na ikinamatay ng 189 na indibidwal.

Ayon sa Indonesian Transportation Ministry – ang Lion Air ay kasalukuyang mayroong 11 models habang ang national carrier na Garuda Indonesia ay may isa.


Hindi pa malinaw kung ang mga eroplano ay pumasa sa inspeksyon.

Nabatid na pinangunahan ni Indonesian President Joko Widodo ang search teams kung saan nasilayan niya ang mga debris na narekober mula sa crash site.

Facebook Comments