Manila, Philippines – Puspusan ang ginagawang pag-iinspeksyon ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa mga Evacuation Center sa San Juan City upang matiyak na ligtas ang mga residente nagsipaglikas dulot ng hagupit ng bagyong Ompong.
Personal na binisita ni DILG Regional Director, Juan Jovian Ingeniero kasama ang iba’t ibang pinuno ng ibat ibang Departamento ng San Juan City, DSWD, City Administrator, City Health Department maging ang Chief of Police na si P/Sr. Supt Dindo Regis Reyes upang masuri ang mga Status sa, Evacuation Center partikular sa San Juan City Gymnasium.
Ayon kay P/Sr. Supt. Reyes, walang namang nai-ulat na binahang lugar sa San Juan at tahimik naman ang kanyang nasasakupan pero patuloy pa rin nilang minomonitor ang 345 Families o katumbas ng 1,306 individuals sa naturang Gym upang matiyak na ligtas at nakakain ang mga evacuees.
Paliwanag ng opisyal mahalaga na matutukan nila ang mga nasa Evacuation Center para masegurong walang nagsasamantala at maging maayos ang pagbibigay ng mga relief goods.