Inspeksyon sa construction sites sa Baguio, ipinag-utos kasunod ng COVID outbreak

Ipinag-utos ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang malawakang inspeksyon sa lahat ng construction sites at worker’s barracks kasunod ng outbreak ng COVID-19 sa isang construction site malapit sa isang condominium.

Inatasan ng alkalde si City Administrator Bonifacio dela Peña, City Health Services Officer Dr. Rowena Galpo at City Buildings and Architecture Officer Johnny Degay na pangunahan ang inspections.

Ang anumang paglabag sa health standards at protocols ay maaaring mauwi sa kanselasyon ng building permits.


Lumalabas sa contact tracing reports na nakitaan ng paglabag ang isang construction site sa health at safety protocols tulad ng overall unsanitary condition ng premises, pagsasagawa ng inuman, kabiguang pagsusuot ng face masks, pagbalewala sa quarantine requirements.

Facebook Comments