INSPEKSYON SA MGA PAARALAN NA GAGAWING VOTING CENTERS SA 2022 NLE SA DAGUPAN CITY, SINIMULAN NA

Sinimulan na ng Commission on Elections ang pag-iinspeksyon sa mga paaralang gagawing voting centers bilang paghahanda sa 2022 National Elections sa lungsod ng Dagupan.

Kabilang sa mga gagamitin ng ahensya na unang isinagawa ang pag-iinspeksyon ay ang West Central Elementary School, East Central Integrated School, Pogo Lasip Elementary School, Mangin-Tebeng Elementary School at Bolosan Elementary School.

Nakipag-ugnayan ang COMELEC sa mga principal ng naturang paaralan upang siguraduhing handa at sapat ang mga silid aralan para sa mga botante.


Kabilang din sa napag-usapan ay ang seguridad ng mga gurong maglilingkod sa darating na eleksyon.

Sa huling datos ng COMELEC Dagupan nasa 128,000 na ang bilang ng mga botante sa Dagupan City.

Nagpaalala naman ang ahensya na huwag ng hintayin pa ang deadline upang magparehistro nang maiwasan ang kumpulan na maaaring maging dahilan ng pagkalat ng nakakahawang sakit.

Facebook Comments