Pinasimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang malawakang inspeksyon sa mga Public Utility Vehicles (PUV) at terminals sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Degra III, ang random terminal at PUV inspection ng ahensya ay upang siguruhin ang road worthiness ng mga sasakyang bibiyahe sa panahon ng Undas.
Pinsigla na rin ng LTFRB ang mga programa nito laban sa mga kolorum na sasakyan, gayundin sa mga taxi na tumatangging magsakay ng mga pasahero o hindi gumagamit ng metro.
May mga Malasakit Help Desk na ring makikita sa mga terminal ng bus at iba pang pampublikong sasakyan na magbibigay ng karagdagang tulong sa commuters, basic medical assistance at pagtanggap ng mga katanungan o anumang reklamo.