Panghimagas – Isang Architect sa Germany ang kailangang uminom ng 20 litro ng tubig kada araw upang makaiwas sa kamatayan dulot ng dehydration.
Ang 35 years old na German Architect na si Marc Wubbenhorst, ay may kakaibang uri ng sakit na kung tawagin ay diabetes insipidus.
Ang naturang sakit ay nagdudulot ng intense na pagkauhaw at madalas na pagdudumi.
Sa oras na tumigil si Wubbenhorst sa paginom ng tubig, magsisimula itong mauhaw na maaari niyang ikasawi.
Sa kabila ng kaniyang kondisyon, hindi ito naging hadlang para kay Wubbenhorst upang maging inspirasyon at manguna sa ibat-ibang community project sa kanilang lugar na naglalayong matulungan ang mga nangangailangan.
* Photo │Marc Wübbenhorst/Facebook
Facebook Comments