INSPIRASYON | Philippine Postal Corporation, naglabas ng commemorative stamps para sa Palarong Pambansa

Ilocos Sur – Naglabas ang Philippine Postal Corporation ng commemorative stamps para sa Palarong Pambansa na ginaganap ngayon sa Vigan, Ilocos Sur.

Naka-focus ang mga commemorative stamps sa walong sports kung saan ito ay ang boxing, volleyball, archery, soccer, gymnastics, basketball, cycling, at badminton.

Nagpasya ang Philippine Postal Office na gumawa ng commemorative stamps para maramdaman ng mga atleta ang excitement at aksyon sa Palarong Pambansa.


Sa ganitong paraan ay mabibigyan din ng inspirasyon ang mga kabataang atleta na magpusige sa iba’t-ibang larangan ng sports.

Nagkakahalaga naman ang mga commemorative stamps ng P17.00 pero limitado at mabibili ito sa mga central post office at post offices sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments