Instagram post ni OPM icon Jessa Zaragoza, kinaaliwan ng netizen!

Aliw na aliw ngayon ang mga netizen sa instagram post ng OPM icon na si Jessa Zaragoza tungkol sa kaniyang fitness journey.

Ito ay matapos ibahagi ni Jessa ang kaniyang larawan tila pagod pagkatapos mag-work out na may caption na “hirap! Pramis, napakanta ako, ‘parang ‘di ko yata kaya.'”

Ang litanyang ‘parang ‘di ko yata kaya’ ay mula sa kaniyang hit song na ‘Bakit pa’


Samantala, nabatid na bukod sa pagkanta, pagsayaw at paggamit ng Tiktok app ang isa sa mga pinagkakabalahan ng singer.

Facebook Comments