Planong pagtakbo ni Senador Imee Marcos sa vice presidency, ibinuking ni Pangulong Duterte

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano ni Senador Imee Marcos na tumakbo sa vice presidency ka-tandem ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa kanyang Talk to the Nation, kinumpirma ng pangulo na nagtungo noon ang senador sa Davao para makipag-usap kay Mayor Sara.

Gayunman, sinabi ng alkalde na hindi siya tatakbo sa pagkapangulo.


Kamakailan lang nang sabihin ng senador na isang karangalan kung magiging running mate sa 2022 elections sina Mayor Sara at kapatid niyang si dating Senador Bongbong Marcos.

Inilarawan pa niya na “marriage made in heaven” kung magtatambal ang dalawa lalo na kung solid ang suporta ng mga taga-Timog sa mga Duterte at ng mga taga-Norte sa Marcoses.

Facebook Comments