INSTALLATION NG BAGONG PERIMETER FENCE SA SAN NICOLAS, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA; RIPRAPPED NA KALSADA, MAGAGAMIT NA

Matagumpay ang ginanap na installation ng Perimeter Fence sa Child Development Center sa San Rafael West, San Manuel, Pangasinan.
Pangunahing layunin ng nasabing proyekto ang pagtiyak sa kaligtasan ng mga batang estudyante na dumadaan dito.
Naging posible naman ang installation ng perimeter fence sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng San Manuel, opisyal sa nasabing barangay, maging ang ilang kawani ng Child Development Center.

Magagamit na rin ang daan sa Zone 5 ng Brgy. San Rafael dahil tapos na ang itinayong mga malalaking bato sa riprapping works na naglalayong mabawasan ang posibilidad ng pagbaha sa pangunahing kalsada.
Samantala, nagkaroon naman ng maikling pagpupulong ang mga barangay councils para sa ilan pang konsultasyon sa mga ipinatayong proyekto. |ifmnews 
Facebook Comments