DALAWANG BAHAY SA DAGUPAN CITY, TINUPOK NG APOY

Sumiklab ang sunog sa dalawang bahay sa Bonuan Boquig, Dagupan City, kahapon, ika-13 ng Nobyembre ng hapon.
Ayon sa report ng awtoridad, nagsimula umano ang sunog sa isang bahay ng isang senior citizen hanggang sa nadamay ang katabi pa nitong bahay.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay FO1 Vincent Caliboso ng BFP Dagupan, lumalabas na nasa tatlong pamilya ang naapektuhan ng sunog at ang inisyal na danyos ay nasa 30, 000.
Isa naman ang isinugod sa ospital matapos masugatan sa kaniyang paa dahil sa pagpipilit na pumasok sa nasusunog na bahay.
Hanggang sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga bumbero sa naging sanhi ng sunog sa lugar.
Facebook Comments