Institutionalization ng NEDA, inaasahang maisasabatas na

Manila, Philippines – Mas paiigtingin pa ang tungkulin ng National Economic and Development Authority o NEDA matapos na aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang pag-institutionalize sa ahensya bilang independent economic at planning agency ng gobyerno.

Nakalusot sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang inihain ni House Speaker Gloria Arroyo na House Bill 9204.

Idinedeklara sa ilalim ng panukala ang NEDA na magbigay ng patas, objective at evidence-based na pagsusuri at rekomendasyon para sa ikabubuti ng socio-economic status ng bansa.


Obligasyon din ng NEDA na ipaalam sa mga Pilipino ang mga inilalatag na socio-economic polisiya, estratehiya, plano, programa, mga proyekto at pondo para sa transparency.

Bubuuhin din ang NEDA ng NEDA Board na pamumunuan ng Pangulo bilang Chairperson at NEDA Secretary bilang Vice-Chairperson at NEDA Secretariat na pangungunahan ng kalihim ng ahensya, apat na undersecretaries, walong assistant secretaries, internal audit service at legislative liaison office.

Facebook Comments