INSTITUTIONALIZED INCENTIVEPROGRAM PARA SA MGA MANANALONG PANGASINENSE SA IBA’T IBANG LARANGAN NGPATIMPALAK, PAG-UUSAPAN PARA SA PAGPAPANUKALA NITO

Pag-uusapan ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang pagpapanukala sa isang resolusyong magbibigay pagkilala sa angking galing ng mga Pangasinense na magwawagi sa iba’t ibang larangan ng patimpalak.
Ito ay matapos matanong ni 6th District Board Member Atty. Noel Bince ang isang nagwaging Pangasinense na si Ronald Oranza tubong bayan ng Villasis sa katatapos lamang na 32th Southeast Asian Games sa bansang Cambodia at ito ay nagkamit ng bronze medal sa larong cycling kung ito ba ay may nakatanggap na ng incentives sa kanyang pagkapanalo.
Tugon naman ng siklista, wala pa umano siyang natatanggap na insintibo mula sa gobyerno at dagdag pa niya mayroon naman umano siyang natanggap ngunit allowance lamang sa kanilang training para sa pagkain at ang standard insurance para lamang sa mga sasakyan at bahay at kulang na kulang ang allowance na ibinibigay lamang ng kanilang mga sponsors.

Samantala, sa naging panayam IFM Dagupan kay Bise Gobernador ng Pangasinan, Mark Lambino agad aniya itong isasangguni sa Gobernador ang natalakay sa naganap na question hour sa sesyon kahapon ukol sa atletang nagwagi ngunit wala pang natatanggap na insentibo at kanilang ipapanukala sa Gobernador ang Institutionalized Incentive Program para bigyang pagkilala ang kanilang mga naibibigay na karangalan sa bansa maging sa lalawigan ng Pangasinan.
Umaasa ito na magiging posible ang ipapanukalang programa para sa mga atletang magwawagi sa iba’t ibang patimpalak. |ifmnews
Facebook Comments