Insurance sa mga manggagawang nawalan ng trabaho, isinusulong ni Sen. Gordon

Manila, Philippines – Isinusulong ni Senador Richard Gordon ang pagkakaroon ng insurance ng mga manggagawa para mayroong benepisyo kapag nawalan ng trabaho.

Ayon kay Gordon – inirekomenda na niya ito sa pamunuan ng Social Security System (SSS) nang sa gayon ay may matatakbuhan ang mga manggagawa kapag nawalan sila ng trabaho.

Paliwanag ng senador – maraming manggagawa ang madalas na mawalan ng trabaho kapag natapos na ang kanilang kontrata sa trabaho.


Nabatid na wala pang ipinatutupad na batas para ipagpabawal ang ‘endo’ o end of contract.

Facebook Comments