Insurhensya sa Echague, Inamin ni Mayor Francis “Kiko” Dy!

Echague, Isabela – Inamin ni Mayor Francis “Kiko” Dy ng Echague ,Isabela na mayroong mga dumadaan na grupo ng New Peole’s Army o NPA sa mga liblib na barangay ng kaniyang bayan.

Aniya hindi naman umano problema ang mga nakarating sa kanya na may mga nakikitang NPA sa mga Barangay ng San Miguel, San Carlos at Benguet dahil patuloy umano ang ugnayan ng mga residente sa lugar.

Paliwanag pa ng mayor na huwag lamang umano gumawa ng hindi maganda ang makakaliwang grupo sa kaniyang mga kababayan.


Gayunpaman ay ipinapasakamay ng mayor ang peace and order ng Echague sa mga kapulisan at mga sundalo para sa mas tahimik na bayan.

Facebook Comments