Marawi City – Hinamon ng pamunuan ng PNP ang mga opisyal at kasapi ng Integrated Bar of the Philippines – Lanao Del Sur Chapter na maglabas ng ebidensya laban sa mga sinasabing pulis at sundalo na sangkot sa Looting o pagnanakaw sa Marawi City.
Ayon kay PNP Spokesperson chief Supt Dionardo Carlos, hindi nila kukunsintihin kung may tauhan silang sangkot sa ganitong gawain.
Pero kailangan munang patunayan ng mga nag-aakusa ang kanilang akusasyon laban sa mga sundalo at pulis.
Nakapagtataka raw kasi dahil sa kanila lang nakatingin ang grupo ng IBP Lanao Del Sur.
Dapat din umanong tingnan nila ang grupo ng Maute na sila ang naunang nag-okupa sa mga bahay sa Marawi City.
Paulit-ulit na itinatanggi ng militar at pulisya na wala silang kinalaman sa mga reklamo ng nakawan.
Dahil bago pa man sila pumasok sa lugar ay napasok na ito ng Maute Terror Group.