Kalahati ng pondong gagamitin sa rehabilitation ng Marawi City, sasagutin ng PAGCOR

128

Marawi City – Inihayag ng Malakanyang na magmumula sa Philippine Amusements and Gaming Corporation o PAGCOR ang kalahati ng pondo na gagamitin sa rehabilitation ng Marawi City.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ito ang kinumpirma sa kanila ni Budget Sec. Benjamin Diokno, kasunod na rin ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglalaan ang pamahalaan ng 20 bilyong piso para sa muling pagbangon ng nasabing lungsod.

Sinabi din ni Abella na inaasahan pa rin nila na sasagutin na rin ng PAGCOR ang kalahati pa ng kakailanganing pondo para sa rehabilitation.


Facebook Comments