Intel gathering sa kampanya kontra ilegal na droga, palalakasin

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Director for Operations Police Maj. General Valeriano de Leon ang lahat ng station commanders na lawakan ang kanilang intelligence monitoring para sa mas epektibong kampanya kontra ilegal na droga.

Ang pahayag ni De Leon ay kasunod narin ng pagkakasabat ng mahigit ₱1.7-M halaga ng shabu sa magkasunod na operasyon sa Quezon City at Dasmariñas, Cavite kamakalawa.

Ayon kay De Leon, may ibinigay na siyang kautusan sa mga station commanders na palakasin ang kooperasyon sa bawat LGUs para sa pagtukoy ng mga sangkot sa ilegal na droga.


Kailangan aniya na pagtulungan ng mga pulis at lokal na pamahalaan ang kampanya kontra ilegal na droga para sa mas agresibo ito.

Alinsunod narin aniya ito sa pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Bejamin Abalos Jr. na sisiguraduhin niya na may suporta ang kampanya kontra droga mula sa stakeholders at mga iba pang ahensya ng pamahalaan hanggang sa bawat barangay.

Facebook Comments