Palalakasin pa ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang intel gathering ng pamahalaan na nakakatulong sa mga law enforcement agency ng bansa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni NICA Deputy Director General Abelardo Villacorta na partikular na nais nilang mangyari ay ang pag-level up ng performance ng kanilang tanggapan.
Kabilang aniya sa kanilang strategic agenda ay ang National Sovereignty, Territorial Integrity, Organizational Development, Anti-smuggling campaign, at Cyber Security Awareness.
Magkakaroon din aniya sila ng capability at capacity enhancement para sa kanilang mga tauhan at pa-iigtingin rin ang kanilang koordinasyon sa kanilang local at foreign counterpart.
Facebook Comments