Hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte na taasan ang intelligence at confidential funds ng Office of the President para sa 2020.
Batay sa isinumiteng proposed 4.1 trillion national expenditure plan para sa susunod na taon, 8.25 billion pesos budget ang nais ilaan ng pangulo para sa intelligence at confidential funds ng Office of the President.
Mas mataas ito kung ikukumpara sa 6.82 billion pesos na pondo ngayong 2019.
Kaagad namang ipinaliwanag ng Malakanyang ang hakbang ng Chief Executive at iginiit na kailangan ng malaking pondo upang matiyak ang seguridad ng bansa.
Iginiit pa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na tiwala silang hindi magagamit sa korapsyon ang nasabing pondo lalo’t istrikto ang Chief Executive pagdating sa usapin ng katiwalian.