Julia Barretto sa hiwalayang Bea-Gerald: Wala akong inahas, wala akong nilandi

2940

“Wala akong inahas. Wala akong nilandi.”

Ito ang matapang na pahayag ni Julia Barretto kaugnay sa spekulasyong siya ang dahilan ng hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.


Sa unang pagkakataon, diretsahang sinagot ng Kapamilya star kung totoong nakarelasyon niya o niligawan siya ng katambal sa pelikulang “Between Maybes”.

“Hindi ko siya naging boyfriend and hindi ko siya boyfriend ngayon. Therefore, wala akong inagawan ng boyfriend.” tugon ni Barretto sa isang panayam noong Huwebes ng gabi.

Ayon pa sa batang aktres, naniniwala siyang may tamang panahon at oras para sa mga ganiyang bagay.

Pero paglilinaw ni Barretto, nananatiling “matalik na kaibigan” si Anderson.




Wala rin umanong katotoohanan na si Anderson ang sanhi ng kanilang paghihiwalay ng dating nobyo at kaparehang si Joshua Garcia.

Giit ni Barretto, mutual o pareho nilang napagdesisyunang itigil ang pagsasama para sa “ikabubuti ng isa’t-isa”.

“So ayaw na namin i-damage ‘yong isa’t isa. So we protected each other because there is love,” saad niya.

Sa huli, sinabi ni Barretto na ayaw niyang manisi pa sa kontrobersiyang kinasasangkutan nila nina Alonzo at Anderson.

“She’s hurting, he’s hurting, but so am I. I’m really in so much pain right now. But kailangan magpakatatag, e. 

“We have to get back on our feet, and move forward, and heal from this.”

Hiling niya, unawain at respetuhin ang sakit na nararamdaman nila ngayon.

“Everyone is hurting. Hindi madali yung pinagdadaanan naming tatlo.”

(BASAHIN: Bea Alonzo at Gerald Anderson, hiwalay na)

Pumutok ang isyu tungkol sa tatlong celebrity matapos mag-post ng cryptic message ni Alonzo sa Instagram account noong Hulyo 21.

(BASAHIN: Gerald Anderson nagsalita na kaugnay sa estado nila ni Bea Alonzo)

Nitong buwan, itinanggi ni Anderson ang alegasyong third party at inihayag na walang kinalaman si Barretto sa pinagdaanan nila ng batikang aktres.

Facebook Comments