Intelligence gathering ng pamahalaan, hindi perpekto – National Security Adviser Esperon

Manila, Philippines – Aminado si National Security Adviser Hermogenes Esperon na sablay o hindi perpect ang intelligence ng gobyerno lalo na patungkol sa paglaban sa terorismo.

Sa ginaganap na 2017 Conference on Peace and the Prevention of Violent Extremism in Southeast Asia sa PICC, sinabi ni Esperon na walang perfect intelligence maging sa First World country gaya ng Amerika na nagkaroon ng 9/11 attack, pag-atake sa Paris noong November 13, 2015, terrorist attack sa Barcelona, Spain, London Bridge attack, Manchester bombings at iba pa.

Paliwanag ni Esperon na dito umano sa Pilipinas, malaki ang kakulangan ng pamahalaan sa logistics gaya ng kawalan ng helicopter, tangkeng panggiyera, mga armament at iba pa.


Sa kabila aniya nito, ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang masugpo ang paglala ng terorismo sa Minanao.

Tinatalakay sa nasabing conference ang paglutas sa nagaganap ngayong terorismo sa buong mundo at kung paano ito maiiwasan ng mga bansa sa Asya.

Facebook Comments