Intelligence information sharing, mas pinaigting laban sa panggugulo ng NPA sa SONA

Manila, Philippines – Mas pinaigting ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang intelligence information sharing sa ibang mga Intel agencies ng pamahalan para maprotektahan ang publiko sa bantang panggugulo ng New People’s Army.

Ito’y sa harap na rin ng pahayag ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Bato Dela Rosa sa planong pag-atake ng npa sa araw ng SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo, mahalaga pa rin ang kooperasyon at pagiging mapagmatyag ng publiko para mapigilan ang mga posibleng panggulo ng anumang grupo.


Facebook Comments