Intelligence officials ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia – magpupulong bukas

Manila, Philippines – Magpupulong bukas ang matataas na security at intelligence officials ng Pilipinas, Indonesia, at Malaysia.

Layon nito na palakasin ang pagtutulungan ng mga bansa sa intelligence gathering sa harap ng paglusob ng IS-affiliated Maute group sa Marawi City.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, layon din nito na mahadlangan ang pagpapalawak ng operasyon ng grupo sa Southeast Asian region.


Noong Lunes, sinimulan na ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas ang joint maritime operation sa Indonesia para labanan ang transnational crimes at terorismo sa Sulu Sea.

Ang naturang Trilateral Maritime Patrol ay inilunsad sa Tarakan Naval Base sa Indonesia.

Facebook Comments