Kaliwat kanang checkpoints, ikinasa sa Pigkawayan North Cotabato matapos ang pag-atake ng BIFF

North Cotabato – Nagposte ng mga checkpoints ang Police Regional Office -12 matapos ang nangyaring pag-atake ng BIFF kaninang umaga sa barangay Malagakit sa Pigkawayan, North Cotabato.

Ayon kay PSupt. Romeo Galgo, tagapagsalita ng PNP central Mindanao, ideneploy na nila ang Regional Public Safety Battalion (RPSB 12) sa Manuangan detachment para magsagawa ng checkpoint.

Aabot naman sa 513 residente sa nasabing lugar ang lumikas na dahil sa paglusob ng BIFF.


Paliwanag ni Galgo na mas pinili ng mga residente ang lumikas upang maiwasan na maipit sa bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng bandidong grupo.

Inaalam pa rin ni Galgo kung may bihag o napatay ang BIFF.

Sa inisyal na impormasyon labing dalawang estudyante ang umanoy bihag ng BIFF pero bina-validate pa ang impormasyon.

Facebook Comments