Isinusulong ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang isang Intelligent Transport System o ITS.
Sa tala ng MMDA, higit 2.8 million na sasakyan ang dumaraan sa ilang pangunahing kalsada sa NCR noong 2018.
Bukod pa ito ang mga pribadong sasakyan na dadagdag sa kalsada kung kaya at problema pa rin ang trapiko sa Kamaynilaan.
Pero ayon kay MMDA Chairperson Danilo Lim – ang ITS ay isang sistema kung saan nakokolekta nito ang mga impormasyon at nakakapagbigay ng traffic signal controls.
May kakayahan ang ahensya na ma-monitor ang daloy ng trapiko.
Sa ngayon, nakatutulong ang MMDA Metrobase bilang command center kung saan mina-manage ang traffic control signals sa mga intersections kasama ang mga high definition CCTV cameras.
Sa daming pagbabago sa traffic scheme lalo na sa EDSA, umaasa ang MMDA na sa paggamit ng electronic at telecommunications ay makikita na ang progreso.