Dumating na dakong alas-12:08 ng tanghali kanina ang inter-agency contingent na ipinadala ng Pilipinas sa Turkiye.
Misyon ng Philippine delegation na tumulong sa mga naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa nasabing bansa.
Nabatid na matapos sumailalim sa briefing ay agad na sasabak sa Emergency Medical and Urban Search and Rescue operation ang 85-kataong delegasyon kung saan mula ang mga ito sa Office of the Civil Defense, Philippine Air Force 505th Search and Rescue Group, Metropolitan Manila Development Authority, Subic Bay Metropolitan Authority, at Emergency Medical Technicians mula sa Department of Health.
Inaasahan namang tatagal ng dalawang linggo sa Turkiye ang Inter-Agency Contingent ng Pilipinas para tumulong sa mga naapektuhan ng malakas ng lindol.