D’Angelo Russell, balik Lakers kapalit nina Russell Westbrook at 2 pang players

Nagdesisyon ang Los Angeles Lakers na i-trade na ang kanilang all star guard na si Russell Westbrook kasama sina Juan Toscano-Anderson, Damian Jones at kanilang 2027 first-round pick.

Kapalit nito, makukuha ng Lakers sa pamamagitan ng three-team trade sina D’Angelo Russell, Malik Beasley at Jarred Vanderbilt.

Maglalaro na ngayon para sa Utah Jazz sina Westbrook, Anderson at Jones.


Habang ipapadala naman sa Minnesota Timberwolves sina Mike Conley at Nickeil Alexander-Walker at ilang draft picks.

Sa ngayon ay nanganganib pa ang Lakers na hindi makapasok sa playoffs dahil sa kanilang 25-30 na record at pang-13 sa Western Conference matapos ang pagkatalo kahapon kontra sa Oklahoma City Thunder.

Inaasahang magiging malaking tulong naman si Russell para sa Lakers na dati na rin niyang naging koponan.

Samantala, ang Jazz ang magiging ikalimang koponan ni Westbrook matapos ang Oklahoma City Thunder, Houston Rockets, Washington Wizards at Los Angeles Lakers.

Facebook Comments